ang buhay

Minsan hindi sapat na dahil gusto mo ang isang bagay ay dali-dali mo itong makukuha. Siguro ang mga katagang ito ay madali lang para sa mga taong mayaman at may pera. Hindi ko naman linalahat ngunit karamihan sa kanila nakukuha ang gusto at iyun ang kinaiingitan ng karamihan. Nabibilang ako doon, yung mga taong maraming kina-iingitan. Masama? Siguro. Dumedepende naman ito sa klase ng inggit. Ang akin kasi, alam kong di ko rin naman makukuha o di rin naman ako magkakaroon kaya pinapangarap ko na lang.

Pangarap.
Yun ang kanina ko pang iniisip na salita. Pangarap, marami ako nun! Minsan nga naisip ko na baka hanggang pangarap nalang ako. Baka di ko natupad ang mga pinapangarap ko. Ang sabi pa nga ng kaibigan ko sa akin na napaka "nega" (pessimistic) ko raw. Dagdag pa niya na kung magsisikap tayo, maaring maabot at makuha natin ang mga pinapangarap natin. Marahil hindi lang alam ng kaibigan ko kung anung kinatatayuan  at kalagayan ko ngayon. magkakaiba tayo ng takbo ng buhay  at mga karanasan kaya't kahit  anu pa mang advise ang ibato  sayo ay hindi mo rin naman ito magagamit ng lubusan dahil iba-iba ang mga pinagdaanan natin. Nabubuhay ako ngayon sa isang mundong puno ng pagkamuhi at panghihinayangnarin. Di ko magawang maging masaya ng lubusan dahil palagi akong malungkot. Palaging walang nararamdamang pagmamahal. Manhid ba ako? Palaging mag-isa, walang karamay. Minsan nga naisip kong magpakatiwakal nalang at tapusin na ang buhay ngunit wala naman akong karapatan gawin iyon dahil naniniwala akong ang Diyos lang ang may karapatan gawin iyon.Ang dami kong taong minahal at ang iba'y sinuklian din iyun ng pagmamahal. Nabuhay ako para magmahal kaya ipinamamahagi ko ito sa lahat. namulat akong ako ang nag aalaga sa mga taong nangangailanganm ngunit hindi nila inisip na may pagkakataong ako naman ang naghahanap ng pagaaruga't pangangalaga.Ngunit umalis nalang sila't iniiwan ako mag-isa. Sana isang araw maramdaman kong importante rin ako sa kanila at maramdaman ang kakulangang iton. Napapabuntong hininga ako kapag gusto ko ng kayakap, kausap o makakasama ngunit wala rin namang sumusubok gawin iyon. Iba nga talaga ang takbo ng buhay. Minsan masaya ka, minsan malungkot, nakatawa o umiiyak at kinabukasan iba na naman.

Moody?
Oo, moody ako at ang lahat ng tao ay mkoody rin. Sabi ng iba na may sakit daw ako sa utak. paiba-iba kasi ang aking emosyon. lahat naman yata ganun? May tao bang pag masaya ka sa umaga hanggang sa paglubog ng araw ay nakangisi ka parin? siguro di lang nila maipakita na sa likod ng mga ngiting iyon ay may lihim na pagkainis, lungkot o pagkamuhi. Lubos-lubosin na natin, kahit di sinasabi ng isang tao o di kaya'y hindi niya pinapakita ay nagbabago parin ang kanyang emosyon kagaya ng pagtaas baba ng presyo ng gasolina at mga bilihin sa palengke. Ganito ang buhay, walang kasiguraduahn. Isang araw isa kang haciendero sa isang malawak na lupain, lumalangoy sa pera at nakukuha ang lahat ng gusto at sa isang piunto ng buhay, magiiba ang lahat ng ito. pwedeng magpatuloy ka iyong estado o di kaya'y makikita sa kalsada't nagbebeta ng kung anu-ano. Hinihintay kong mag iba ang takbo ng buhay. Sabi nila demanding raw ako, sunod sa luho't arogante pero kagaya ng mga pahayag ko kanina, lahat ay nagbabago. Lahat ay nagiiba. Hintayin lang ang tamang oras at panahon para sa tamang pagbabago.

No comments:

Post a Comment