Isang sulat ng isang Hopeless Romantic

Para sa…

Hindi ko alam kung ano itatawag ko sayo. Sa tingin ko, hindi na mahalaga yun…sa ngayon. Saka ko na poproblemahin ang tawagan natin kapag nagkakilala na tayo. :”>

Gusto ko lang sabihin sayo na andito ako, naghihintay sayo. Naghihintay sa tamang oras ng pagdating mo. Kahit sobrang naiinggit ako sa iba kong kaibigan na may mga boyfriend na ngayon, at kinikwento nila ang masasayang bagay na nais ko rin sanang maramdaman. Ang sarap siguro sa pakiramdam yung may nagpapaalala sayo araw-araw na mahal ka niya, at andiyan lang siya lagi sa tabi mo. Yung taong matatawag mong sayo. Yung taong ipagtatanggol ako kapag may nakaaway ako. Ikaw na yun eh!

Ang problema, hindi ko alam kung sino ka. Pero posible rin na kilala na kita pero hindi mo pa ako gusto, o kaya naman, ayaw mo lang sabihin sakin. :”> Ewan ko ba, kinikilig lang tuloy ako. :”>

Siguro natatawa ka na ngayon habang binabasa mo ito. Baka isipin mong baliw ang taong mamahalin mo.

Pero hindi ako nagmamadali. Kasi alam ko, ilang babae man ang dumaan sayo, sakin pa rin ang bagsak mo. At kapag dumating na nga ang araw na iyon, naku, asahan mo, hinding hindi mo na ako pakakawalan. hehe. Ay, baliktad ba? O sige, hindi rin kita pakakawalan. :)

Sa ngayon, wala akong ibang ginagawa kundi mag-daydream, minsan mainggit sa iba, minsan naman okay lang sakin na mag-isa ako. Andiyan naman mga kaibigan ko eh, at alam kong may tamang oras para sa pag-ibig.

Hindi ba?

O, siya. Hanggang dito na lang ang sulat ko sayo. Kung sino ka man, sana’y mag-iingat ka parati. Magkakasama pa tayo balang-araw eh. :”> Alagaan mo sarili mo, kasi pag nagkita na tayo, ako naman ang mag-aalaga sayo. :”>

Patuloy na naghihintay,

Hopeless Romantic

"Look to the LORD and his strength; seek his face always."

— Psalm 105:4 (NIV)

Thoughts on Today's Verse...

When we honestly evaluate where we use our time, how we spend our money, what we think about most often, and where we put forth our best efforts, what do we find? Is God our consuming passion? Is he our first love?

My Prayer...

O mighty Lord, it is hard not to be able to see your face, yet I know my imperfection makes that impossible in light of your awesome holiness. Until that Day I see you face to face in heaven, please make your presence known in my life as I seek you with all of my heart. In Jesus' name I pray. Amen