ENDING INVENTORY

facebook shouts: " human na an mga exam. , . yeheey"


At doon nga natapos ng mahahabang gabing kasama ko ang aking libro at madugong binabasa ang mga maliliit na letra sa isang makapal na libro. Di ko mawaring wala rin palang pumapasok sa makitid kong utak at patuloy parin ang pagmumuni-muni kasama ang isang puting bond paper, isang blue at black na bolpen, ang makapal na aklat pati narin ang aking naka-off na cellphone. (Ba't ko pa sinama ang cellphone ko, di ko rin naman yun ginagamit). Well, that is part of the history kaya't wag na nating balikan. Isang nakakapanabik na pangyayari ang aking inaabangan. Mas nakakatakot palang maghintay sa resulta kesa gawin ang mahahabang pagsusulit na aking mga sinagutan. Bawat pahina ng papel naaamoy mo parin ang hatak ng makinarya ng photocopier machine sa papel. Ang masangsang na amoy ng photocopier machine kaakibat nito ang hindi mabasa-basang mga nakasaulat sa papel. Hay naku, what a wrap? Talagang nakaka-kaba and as usual todo deny parin na nag aral ako. Well, wala naman talaga.

Hanggang ba ngayon paranoid parin ako? ba't di ko maramdaman na restday pala. dami ko pa kasing gagawin. daming liligpitin kasi madaming kalat and marami paring aasikasuhin. Pero okey lang iyon. Nakakatamad paring bumangon at magligpit ng kalat. Pinarursahan ko sarili ko. (Owss) hahahaha. , . bhala na/. , . basta tapos na ang 1st sem. magdiwang