KABET

Ewan ko ba kung galit lang ang mundo
o di kaya'y pinaparusahan lang ako
kung bakit ba nagkaganito buhay ko
dahil ba sa isang kabet na tulad mo?

Sinong kabet? o sino ka?
pinaparusahan mo ang isang pamilya
kung kelan umalis ang isa
Baka pag-uwi, ang inuwian ay may kasama nang iba.

O Diyos ko, tulungan mo ako,
Anu kaya ang gagawin ko?
Mabubuhay ba ng ganito?
Sa buhay kong puno ng gulo.

Bakit mayroon kang iba?
Anu ba't, may problema ka ba?
Dahil kung ganoong may hasa na
Iwan mo nalang ang iyong kapareha.

Isang kabet ang dulot ng problema,
kasama pa ang mga dusa
Di mo ba pansin ako'y rebelde na,
dahil sa mga kabet mong iilan pa.

Ayokong mabuhay ng ganito,
Sa kamay ng lusak di na hihinto.
Pero kung ganyan lang ang mangyayari,
mabuting iwan mo nalang ang itinapat sa pari.