I really don't know if the world is so mad at me or just punishing me for I have done. It is sad that no one cares about you or what you feel it is like they're taking their sleeves off and then go away. It’s been months and i always wanted you to approach me but whatever I do, I’m just apart of your everybody. I even wanted to tell you that I honestly love you but you just laugh, smile and walk away without answering a question... ooopppsss... I’m sorry... it is a phrase and not a question but i really need an answer that time. Even though many people try to show me it's big and bold truth that slapped me many times that I can merely feel its pain dashing through my body as it approaches to those hard points I kept for a long time. I forgot how this started but in my heart, the long pointed sharp needle is still pierced in the dark and narrow corner where I was struck by the magical spear of LOVE.

LOVE, is this love what I felt? Other people think it’s just a sheer obsession or rather an infatuation caused by you mystical personality and that shallow dimples on your translucent cheek. Those innocent looks shove my heart and pulled me into you, it’s like there is an interdimensional connection that binds us two. I don’t know if you feel it too but as my mind and heart travels north and south, east and west until I reached a rainbow’s end I always think about you.

AYOKO NA

Di ko talaga maisip kung anu ang susunod kung gagaawin matapos mo akong iwang luhaan sa lulok ng madilim na parte ng aking utak. Di ko lubos naisip kung anu ba talaga ang naging problema at nagkaroon ng pagkakaunawaan sa isang masaya at masiglang relasyon. Ewan ko ba, pinaglalaruan ata ako ng aking tadhana at pilit tayong pinaglalayo gaya ng mga romantikong nobelang nababasa sa mga libro o napapanood sa isang pelikula. Anu pa ba ang magagawa ng isang tulad ko sa mga nagpipilit na ilayo ka kung gusto mo rin namang iwan ako. Lasang kapeng pakiramdam ang bumabalot sa aking isipan na para bang unti-unti kong pinagdudusahan kung bakit ikaw pa ang pinilit kung ibigin at pagtuunan ng pansin. Isang maling hakbang ba talaga ang ginawa ko? Ako lang ba ang may pagkukulang? Kailangan ko ngayon ng sagot, sagot na di kayang tumbasan sa isang usapan lang. Marahil nagtataka kayo kung bakit ako nagkaka-ganito, siguro ako lang ang nakaka alala sa mga panahong linilibot natin ang mga pasikot-sikot ng campus sabay kain ng cornetto.

Di kaba nanghihinayang? Parang may pwersang bumabalot pag magkasama tayong dalawa habang sabay na tumatawa sa mga salitang iyong binibitawan o kaya sa mga tagpong walang imikan na dinulot ng mga panahong di tayo magkaintindihan. Bakit ba ako nagkakaganito? Ito ba ang sinasabi nilang masakit na parte pag ang isang tao ay umibig? pero umiibig ba ako? Nauubos na ang aking panahon. Di ko na kaya ang mga nangyayaring ito, marahil may iba pang mas mahalagang tao na nararapat sayo at siguro di ako iyon. Parang isang pagsubok na dapat malampasan na magdudulot ng pagkakaroon ng matiwasay na buhay dahil marahil ito’y isang paraan upang mahubog ang aking talino, talento at makapag isip ng walang ibang sagabal. Di ba’t nararapat lang iyon? Pero bakit parin ako nasasaktan? Di ko parin malimot ang tamis at pait na dulot ng pagsasamang ito. Pero heto ako ngayon, patuloy na linalabanan ang mga pagdurusang gumugulo sa matiwasay kong isip at nagigising sa umagang kaharap ang mga problemang ito. Anu ba talaga ang pakay nito? Ayoko na! Pagod na ako!

Di ko na ito kakayanin, kaya't kailangan ko nang kalimutan.