PALAISDAAN

kasabay ng pag hampas 
ng mga alon sa dalampasigan
nakita ko kung gaano
ka simple ng mga taong naninirahan
sa mga baybayin.

Tulog pa ang araw
ang mangingisda'y handa na
handa sa bagong pagsubok
handa sa mga along magpapakain
sa kanyang pamilya

di man umayon 
ang tubig at hangin sa kanya
susu-ungin parin niya ito.
ang tapang mo
mangingisda
handang makipagsapalaran
kahit sa
mata ng bagyo.



ang buhay

Minsan hindi sapat na dahil gusto mo ang isang bagay ay dali-dali mo itong makukuha. Siguro ang mga katagang ito ay madali lang para sa mga taong mayaman at may pera. Hindi ko naman linalahat ngunit karamihan sa kanila nakukuha ang gusto at iyun ang kinaiingitan ng karamihan. Nabibilang ako doon, yung mga taong maraming kina-iingitan. Masama? Siguro. Dumedepende naman ito sa klase ng inggit. Ang akin kasi, alam kong di ko rin naman makukuha o di rin naman ako magkakaroon kaya pinapangarap ko na lang.

Pangarap.
Yun ang kanina ko pang iniisip na salita. Pangarap, marami ako nun! Minsan nga naisip ko na baka hanggang pangarap nalang ako. Baka di ko natupad ang mga pinapangarap ko. Ang sabi pa nga ng kaibigan ko sa akin na napaka "nega" (pessimistic) ko raw. Dagdag pa niya na kung magsisikap tayo, maaring maabot at makuha natin ang mga pinapangarap natin. Marahil hindi lang alam ng kaibigan ko kung anung kinatatayuan  at kalagayan ko ngayon. magkakaiba tayo ng takbo ng buhay  at mga karanasan kaya't kahit  anu pa mang advise ang ibato  sayo ay hindi mo rin naman ito magagamit ng lubusan dahil iba-iba ang mga pinagdaanan natin. Nabubuhay ako ngayon sa isang mundong puno ng pagkamuhi at panghihinayangnarin. Di ko magawang maging masaya ng lubusan dahil palagi akong malungkot. Palaging walang nararamdamang pagmamahal. Manhid ba ako? Palaging mag-isa, walang karamay. Minsan nga naisip kong magpakatiwakal nalang at tapusin na ang buhay ngunit wala naman akong karapatan gawin iyon dahil naniniwala akong ang Diyos lang ang may karapatan gawin iyon.Ang dami kong taong minahal at ang iba'y sinuklian din iyun ng pagmamahal. Nabuhay ako para magmahal kaya ipinamamahagi ko ito sa lahat. namulat akong ako ang nag aalaga sa mga taong nangangailanganm ngunit hindi nila inisip na may pagkakataong ako naman ang naghahanap ng pagaaruga't pangangalaga.Ngunit umalis nalang sila't iniiwan ako mag-isa. Sana isang araw maramdaman kong importante rin ako sa kanila at maramdaman ang kakulangang iton. Napapabuntong hininga ako kapag gusto ko ng kayakap, kausap o makakasama ngunit wala rin namang sumusubok gawin iyon. Iba nga talaga ang takbo ng buhay. Minsan masaya ka, minsan malungkot, nakatawa o umiiyak at kinabukasan iba na naman.

Moody?
Oo, moody ako at ang lahat ng tao ay mkoody rin. Sabi ng iba na may sakit daw ako sa utak. paiba-iba kasi ang aking emosyon. lahat naman yata ganun? May tao bang pag masaya ka sa umaga hanggang sa paglubog ng araw ay nakangisi ka parin? siguro di lang nila maipakita na sa likod ng mga ngiting iyon ay may lihim na pagkainis, lungkot o pagkamuhi. Lubos-lubosin na natin, kahit di sinasabi ng isang tao o di kaya'y hindi niya pinapakita ay nagbabago parin ang kanyang emosyon kagaya ng pagtaas baba ng presyo ng gasolina at mga bilihin sa palengke. Ganito ang buhay, walang kasiguraduahn. Isang araw isa kang haciendero sa isang malawak na lupain, lumalangoy sa pera at nakukuha ang lahat ng gusto at sa isang piunto ng buhay, magiiba ang lahat ng ito. pwedeng magpatuloy ka iyong estado o di kaya'y makikita sa kalsada't nagbebeta ng kung anu-ano. Hinihintay kong mag iba ang takbo ng buhay. Sabi nila demanding raw ako, sunod sa luho't arogante pero kagaya ng mga pahayag ko kanina, lahat ay nagbabago. Lahat ay nagiiba. Hintayin lang ang tamang oras at panahon para sa tamang pagbabago.

BAWAL

Bawal ako
Bawal tayo
Bawal ang mga bulaklak sa hardin
Bawal ang mga bituin
bawal ang tubig
bawal ang dahong nagsasayaw
bawal ang mga ibon
bawal ang bus
bawal ang mga salita
bawal ang kanta
bawal ang titig
bawal ang tawa
bawal ang halik.
bawal tayong dalawa.

Pangarap

Bigla akong hinablot 
ng mga sandali
Ako'y naka sandal sa pader
Niyayapos ang mga salitang
Natura na sa aking bibig.

Balintataw muling pinalipad
Sa daluyong ng buhay
ang kahihinatnan ng bukas
at mga dalangin sa payapang
daigdig

Ako'y naglalakbay
sa mga isla ng paraiso
sa dagat ng kawalan
sa himpapawid ng kamalayan
dunong parin ay walang kasiguraduhan.

Lumipas ang mga araw
at ako'y nagbabalik
sa mga pader ng kahapon
unti-unting napapagtanto
ang palihis na landas
landas na hindi
patungong liwanag
tumatalikwas
sa aking nasimulang
pangarap.

HINANAKIT*

Sakit.
paano hihinto ang ulan
at paano rin hihinto ang luha
sa daluyong nito'y naging marahas
kasabay ng dugong tumutulo galing sa iyong sugat.
Hapdi.
ang mararamdaman mo
sa paglapat ng tubig
sa iyong hiwang sugat
nung ika'y maglaslas
at nagtangkang iwan ang masalimuot na mundo.
Pighati.
ang patuloy na babalot
sa iyong murang katawan
na biglang mababahiran
ng walang awang hagupit
ng problemang unti-unting papatay sa iyo.

inspirasyon! TINAMAD LANG AKO!


*This speech was delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering

Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.

Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.

Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.

Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?

Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.

Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.”

Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?

Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na namang ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.

Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.

Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaabot sa prestihiyosong posisyon.

Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.

Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?

Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon?

Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.

Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.

I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo.

Akin ang transcript na ito.

Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako.

This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN'T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.

Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.

OVERHAUL?


i wanna start over..

overhaul everyhing and start a new life.

when i was still using my other account, all i want is just post anything and it is not interesting. but now, i wanna post for a purpose.

i still don't know what is my purpose but i surely miss writing.

my classmates told me that i stopped writing because i was not inspired.

----------------------------------------------------------
when i first enter the hollowed hall of the corridor of the Accountacy Department, i told myself "mag-aral ka muna".
and i did, infact i was one of the top performing student in our class but that's nothing. At that point in time, my attention was changed to a person that was unintentional. i slowly fall in love and until now, i still strive to bulit that certain closeness to him.

cguro siya ang puno't dulo ng lahat kung bakit ngawa ko ang blog na ito. Mahal ko siya pero di ko alam kung anung gagawin ko para mapansin niya ako.
until now, malayo parin ang distansya namin and for that, kinalimutan ko muna siya. Until such time i was envied by my friends having boyfriends or girlfriends. I was jealous, i think i'm alone. In fact, i was the only one in our group of friends who dont have a partner. duh!! i need inspiration. tsk. i have nothing to do now. tsk i'm longing for a partner. are you interested?
tsk. okey fine. i think i needed to focus on other matter rather than indulge myself in misery..


tooodles...tsk..